Saturday, July 10, 2010

Multo ng nakaraan

Richard James Mendoza

Ika-29 ng Hunyo, 2010



Sa ika-30 ng Hunyo, 2010 ay manunumpa ang bagong pangulo. Ang pangulo na kaduda-duda ang kanyang mandato, kuwestionable ang pag-iisip, at ang pangulo na pinaliligiran ng lumang “Kamag-Anak Inc.”. Ang paparating na rehimen ay isa lamang multo ng nakaraan na wala naging silbi kundi magpaka-alipin sa mga imperyalista.


Wala tayong maaasahang pagbabago sa papasok na administrasyon. Ipagpapatuloy lamang ni BSA III ang polisiya ng “globalization” at “liberalization” na pinasimuno ng mga dilawan mula noong EDSA I na naging mitsa sa patuloy na pagbagsak n gating bansa.

Sa mga bumoto kay BSA III, hindi lamang isang pangulo ang nakuha nila kundi apat na panggulo este pangulo. Isang panibagong yugto ng “Kamag-Anak Inc.” ang ipapalabas. Ang ibig sabihin lang niyan ay hindi siya ang may huling pasya kundi ang mga taong nakapalibot sa kanya.Kung sa bagay ay isa sa mga “Tatlong Maria” ay nakikialam sa isyu ng pagkapangulo sa Senado.

Sa tingin ko ay walang paparating na pagbabago. Kung mayroon man ay hindi ito sa ikabubuti kundi ito ay sa ikasasama ng ating bayan. May kasabihan si George Santayana na ganito ang pagkakasabi: “Ang sinuman ang hindi mabatid ang kasaysayan ay tiyak na mauulit ito”. At iyon na nga ang nangyari; naulit nanaman ang kasaysayan.

At nandiriyan din ang midya na pagmamay-ari ng malalaking negosyo. Nagsilbi rin sila bilang mga propagandista para kay BSA III noong kapanahunan ng kampanya at malamang ay sa susunod na anim na taon. Puro mga bulaklak lang ang ipinapakita sa kaniya pero halos mambato na sila ng putik sa ibang kandidato. Sila ang nagbibigay-kahulugan sa terminong “Yellow journalism”. Pagpasensyahan ninyo na lang po ang patudyong paggamit ng salita.

Ang kailangan natin ngayon ay ang pangkalahatang rebolusyon na magbabago sa kasalukuyang takbo ng pangyayari. Pero sa ngayon ay nililinlang ng midya ang mamamayan sa pamamagitan ng walang saysay na aliw.

No comments:

Post a Comment

REMINDERS:
- Spamming is STRICTLY PROHIBITED
- Any other concerns other than the related article should be sent to generalkuno@gmail.com. Your privacy is guaranteed 100%.