Pagsasalin sa P/filipino ng "Justice for Trillanes, justice for all"
DIE HARD III
Herman Tiu Laurel
10/18/2010
Isinalin noong ika-27 ng Oktubre, taong 2010
Naaalala niyo pa ba ang kaso ng "Alabang Boys" na may kinalaman sa droga't panunuhol na sangkot ang tagapaglitis na si John Resado? Naalala niyo pa ba noong taong 2009 nang tumama ang tae sa bentilador ng Department of Justice (DoJ) nang akusahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Resado na ilegal na pinakawala anf mga suspek na si Richard Brodett, Jorge Joseph at Joseph Tecson dahil sa di-umano'y "depekto" sa kaso ng PDEA?
Noong panahon na iyon, sumama ang mga tagapaglitis ng DoJ kay Resado. Pagkatapos ay nagpalitan ng akusasyon ang dalawang ahensya. Napilitan ang gobyerno noon na magsagawa ng malayang imbestigasyon na kung saan nakita nito ang kahina-hinala't hindi maipaliwanag na Php800,000 na deposito sa account ni Resado sa araw na inilagda niya ang kadusta-dustang resolusyon.
Mabuti na lang at may nagtaguyod sa kaso ni Resado at ng mga Alabang Boys. Pinahanga ng ahente ng PDEA na si Maj. Ferdinand Marcelino ang bayan nang tumindig siya sa intimidasyon ng noo'y pinuno ng DoJ na si Raul Gonzales at ng iba pang "top brass" sa DoJ.
Samantala, kailangan matandaan rin natin ang kaso na tumama sa internasyonal na pahayagan na may headline na "Philippine judge sacked, another suspended over bribery scandal" na sangkot ang mga hukom na si Justice Vicente Roxas at Associate Justice Jose Sabio, habang ang tatlong iba pang hukom ang sinuspinde nang hindi ginawa ang nararapat na aksyon.
Lumabas ang iskandalo na ito pagkatapos isiwalat ni Sabio ang Php10 milyon na suhol mula sa abogado ng Meralco ngunit hindi niya ito iniulat ng mga ilang buwan, samantalang si Roxas ay sinibak nang mag-alay siya ng palsipikadong transkrip ng deliberasyon sa review panel na nag-iimbestiga sa iskandalong iyon at nang maglathala ng desisyon sa petisyon nang hindi muna sumangguni sa nasangkot na hukom ng Court of Appeals.
May malaking bolyum ng dekadenteng kasaysayan ang ating sistema ng hudikatura at ng hustisya. Kaya nang marinig ko ang pagrereklamo ng mga abogado ng DoJ tungkol sa mga teknikalidad sa amnestiya sa mga Magdalo, napaisip ako na: "Sino sila para magsalita?"
Sila, sa lahat nga mga tao ang dapat malaman na ang kapangyarihan na magbigay ng amnestiya sa ipinagkaloob sa Opisina ng Pangulo - ang opisina, hindi ang indibidwal - ay tiyak. Nakita ng mga pinagbunga ng tradisyon ng Kanluraning (o Amerikanong) konstitusyonal ang potensyal na pagiging depektibo ng kahit anong sistema ng batas at pamamahala. Kaya sa ilalim ng prinsipyo ng "checks and balances" ay ipinamahagi nila sa pinakamataas na halal na opisyal na kumakatawan sa makapangyarihang mamamayan na maresolba ang mga ganitong isyu sa ngalan ng taong-bayan mismo.
Kaya lang, ang anomalya sa kasulukuyang sistemang pulitikal at kultura ay ang kapangyarihan ay inaagaw mula sa kamay ng mga mamamayan ng mga pulitiko at ng mga burukrata, karamihan sa kanila'y nakurop at kontrolado ni Gloria Arroyo, mga makapangyarihang oligarkyo, at ng dayuhang interes. At ito lamang ang dahilan kung bakit hindi pa rin makakaupo si Sen. Antonio Trillanes IV sa Senado sa kabila ng masugid na pagsusumikap ng kanyang 11 milyong botante.
Sa katunayan, ang pagpupunyagi ni Trillanes ay ang pagpupunyagi ng mamamayan para maibalik ang kapangyarihan, sa mapayapa at legal na pamamaraan, na dapat ay nasa kanila, sa kabila ng lahat ng paghahadlang na inilagay ng mga pulitikal at burukratikong mang-aagaw ng kapangyarihang iyon.
Kunin natin ang isyu ng paghawak ng korte ng Makati sa kaso ni Trillanes na kung saan, sa kabila ng higit pitong taon na pagdinig at deliberasyon, ay hindi pa rin nareresolba hanggang sa kasalukuyan. Habang maituturi ng karamihan na normal ang ganitong nakakamatay na mabagal na pag-usad ng hustisya sa mga korte ng bansang ito, ang dalawang taon ay maituturing na pagkait sa pangunahing karapatan ng akusado na patas at mabilis na paglilitis sa pandaigdigan na pamantayan, na kung mailulutas ito ay diretsahang pag-dismiss sa kaso.
Subalit ang trahedya sa ating lipunan ay tanggap na ang mga depekto at kahinaan ng sistema dahil sa matagal na itong gumagambala sa atin. Sayang nga lang sa mga bumabalewala sa kaapihan ni Trillanes dahil sinusumpa nila ang sarili nila na magdudusa sila sa parehas na tadhana sa darating na panahon.
Narinig ko ang mga tagapaglitis ng DoJ na nagrereklamo sa kanilang "mahirap at mahaba na pagtatrabaho sa pitong taon na ito sa paghahanda at pagtatalo" sa kaso laban kay Trillanes. Ngunit naisip ba talaga nila ang mga paghihirap na dinanas ni Trillanes at ng kanyang pamilya't kasamahan sa loob ng pitong taon at pitong buwan na pagkakabilanggo at sa hindi niya kayang lumakbay sa 10-kilometrong kalaparan na humahantong sa Senado na kung saan siya'y hinalal ng mga mamamayan na maglingkod?
Ang mga partido na namimintas sa amnestiya, katulad na lamang sa mga "hindi napapangalanang legal na eksperto" na sinipi ng maka-Arroyo na dyaryo nang maganap ang protesta sa Oakwood, ay hindi karapat-dapat ng seryosong konsiderasyon dahil hindi sila namahagi sa pagtindig sa pagkurop ng sistema katulad ng ginawa ng grupong Magdalo at ni Trillanes, o nakipagsapalaran sa kanilang propesyon, katulad na lang ng ginawa ni Alan Paguia nang punahin niya ang pagsuway ng pinakamataas na korte sa lupa sa Edsa II.
Hindi ako nabibigla sa mataas na katanyagan na ibinibigay sa kritisismo ng amnestiya mula sa mga iba't-ibang grupo ng mga walang saysay na tao. Alam ko na ang partido na pinakamarami ang mawawala kapag ang amnestiya para kay Trillanes ay perpekto na, i.e. ni Gloria Arroyo at ng kanyang mga kasabwat, ay ang paggalaw nila na itago ang pagpuna sa mga totoong isyu na nahantong sa protesta sa Oakwood at ng kamangha-manghang pagkapanalo ni Trillanes sa mga maperang kandidato ni Arroyo noong 2007: Ang 'di-mapapantayang lebel ng kataksilan at kuropsyon ng rehimeng iyon, na nagpapatuloy sa kasalukuyan sa paghari ni Arroyo sa Kongreso at ng kanyang mga alagad na nakadikit sa burukrasya ng gobyerno.
Para naman sa puna ni Teddy Te, nauunawaan ko ang kanyang paniniwala sa kanyang infallability, subalit dapat niya rin aminin na ang sistema ay ganap nang kurop - katulad ng isang Kryptonite na kahit ang kanyang super legal brain ay hindi kayang daigin.
Kailangang kumilos na ang buong bansa, kasama ang 11 milyon na bumoto kay Trillanes, upang maisigaw pababa ang mga boses ng mga bulok na diktador na nagtatangkang agawin ang kapangyarihan at ng diwa ng hustisya ng taong-bayan.
Mag-text na sa radyo at sa telebisyon; maglagay na ng poster sa inyong mga bintana at mga sasakyan; simulan na ang teach-in sa mga paaralan; at ideklara sa mundo na ang "Hustisya para kay Trillanes, hustisya para sa lahat!"