Richard James Mendoza
Ika-12 ng Hulyo, 2010
Ang “Ministro ng Impormasyon” ay isang ministro sa isang parlyamentaryong pamahalaan na inatasan sa pagsusubaybay ng daloy ng impormasyon na ipinapakita sa publiko. Masasabi na kaparehas din ito ng ABS-CBN, GMA7, Inquirer at iba pang kaparehas na kompanya na pagmamay-ari ng mga oligarkyo. Itu-ito rin ang mga kompanya na isinara sa administrasyong Marcos pero ipinamigay ni Corazon Aquino nang siya’y naging pangulo.
Noong rehimen ng unang Aquino, maadalas na ipakita sa mga pahayagan mga papuri para sa nakaupo. Ang magkatunggaling pananaw ay halos hindi ipakita o iparinig. Matatandaan natin na sa panahon ni Corazon Aquino ay nagsara ang isang pahayagan na kilala bilang oposisyon. Matatandaan din natin na sa panahon niya ay naitanggal sa mga “bookstore” ang librong pinamagatang “Sainthood Postponed”. Kinasuhan ni Corazon Aquino ang isang mamahayag ng libelo dahil sa akusasyon niya sa kanya na “nagtatago sa ilalim ng kama” nang maganap ang kudeta.
Hindi ko masasabi na natatandaan ko ang pamamahayag ng mga dilawan sa administrasyong Ramos subalit hindi ko makakalimutan ang kanilang pamamahayag sa administrasyong Estrada. Imbes na iulat ang mga nagawa niya katulad ng paglago ng ekonomiya noong “Asian Financial Crisis” at ang mga bagay na may kinalaman sa pambansang interes ay pinagtuunan nila ng pansin ang kanyang personal na isyu na wala naming halaga. Isang halimbawa ay ang di-umano’y mga mansion niya, ang “Boracay Mansion” bilang pinakakilala sa mga ito. Isa pang halimbawa ay ang tinatawag na “Jose Velarde account” na di-umano’y pagmamay-ari ni Pangulong Estrada subalit ang totoong may-ari nito ay ang negosyanteng si Jaime Dichaves.
Katulad sa mga buwitre na pinagkakaguluhan ang nabubulok na bangkay, patuloy pa rin ang pangdedemonyo kay Pangulong Estrada pagkatapos ng “pagpapakitang-litis” sa Sandiganbayan. Masasabi ko ng buong katiyakan na isang pagpapakitang-tao lamang ang ginawang paglilitis kay Pangulong Estrada sa Sandiganbayan dahil alam ng lahat na hinatulan na siya na may-sala bago pa man pormal na ihain ito sa kanya. At patuloy parin ang kanilang paninira sa kanya sa pamamagitan ng pagbanggit ng hatol sa kanya ng Sandiganbayan sa halos lahat ng ulat tungkol sa kanya. Nang manumpa ng labag sa batas si Gloria Macapagal-Arroyo bilang Pangulo, pinabanguhan ng midyang dilaw ang bastardong pangulo ng mga papuri pero kumambyo nang nagsilitawan ang iba’t-ibang iskandalo at iskam, ang “Hello Garci” bilang pinakatanyag na halimbawa. Kahit na kumambyo ang midya kay Gloria Macapagal-Arroyo ay magaan pa rin ang kanilang pagbalita sa kaniya.
Nagsimulang kumalat ang baho ng mga dilawan noong ipalabas nila ang isang “music video” ni BSA III na isang halatang pagtatangka sa pangangampanya bago ang panahon ng halalan. Ito’y maituturi na mas malala sa mga ipinalabas na patalastas ni Manny Villar na dati pang ipinapalabas. Pinagtatakpan din nila ang mga pagkukulang at pagkakasala ng COMELEC at SMARTMATIC (na tinatawag ring “SMARTMAGIC”) nang magsilabasan na ang ebidensya. May kasabihan na ganito ang pagkakadating: “Walang mas bulag sa mga ayaw na tumingin”. At ganito na nga ang kanilang istilo pagdating sa panlilinlang ng halalan (electoral fraud). Sinasadya nilang hindi intindihin ito o binabaluktot ang katotohanan.
Ngayon at Pangulo na (raw) si BSA III, babalik sa dating gawi ang dilawang midya na ginawa nila noong panahon ni Corazon Aquino. Wiwisikan nila ng mumurahing pabango ang isang “drag queen” o sa kasong ito, isang PENOY. Ang bango ay mapapalitan din ng baho na kasama sa kanyang illegal na pagkapangulo.
Ang totoong giyera ay hindi ang pagpapalitan ng putok ng armas kundi ang sagupaan ng “mainstream” na impormasyon at ang alternatibong pananaw.
No comments:
Post a Comment
REMINDERS:
- Spamming is STRICTLY PROHIBITED
- Any other concerns other than the related article should be sent to generalkuno@gmail.com. Your privacy is guaranteed 100%.